YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 19, 2016

Baybayin sa buong Aklan nananatiling ligtas sa red tide

Posted May 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nananatili umanong ligtas sa red tide toxins ang buong baybayin sa probinsya ng Aklan ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ito ay base sa Shellfish Bulletin No. 15 na inilabas ng BFAR-Aklan na may petsang Mayo 10, 2016 series of 2016.

Nakasaad dito na ang mga baybayin ng Batan Bay at ang mga katabi nitong lugar ng Altavas, Batan at New Washington, Mambuquiao at Camanci sa Batan kasama na ang Sapian Bay sa Capiz, at buong baybayin sa bansa ay ligtas na sa red tide, base sa pinakahuling resulta ng laboratory.

Dahil dito ligtas na ang lahat ng klase ng “shellfish” at Acetes sp. o alamang na kinikuha, iniipon at binibinta mula sa lugar na ito ay puweding-puwedi ng kainin base sa BFAR.

Sa kabila nito nananatili parin ang ginagawang pag-monitor ng BFAR sa mga karagatan sa bansa para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Nabatid na nitong mga nakaraang buwan ay naapektuhan ang probinsya sa malawakang red tide kasama na ang mga baybayin sa Capiz.

No comments:

Post a Comment