YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 08, 2016

Night shift na Medical responders ng BAG temporarily terminated

Posted February 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Nagpaliwanag ngayon si Commodore Leonard Tirol sa pansamantalang hindi pag-respondi ng kanilang medical responders tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-8 ng umaga.

Ito’y sa kabila ng pagtigil ng Local Government Unit ng Malay sa pagbigay sa kanila ng sweldo kung saan temporaryo rin ang mga itong na-terminate.

Nabatid na kabilang sa mga ito ang ambulance driver, ambulance speedboat captains at tatlong nurse.

Iginiit naman ni Tirol na hindi naman umano ito kasalanan ng mga LGU Officials dahil nananatili parin umanong under sa LGU ang kanilang responders.

Ngunit sa kabila nito, isang magandang balita naman ang ibinahagi ni Tirol kung saan nagbigay umano ng donasyon si Commo Greg Barnes ng PCGA sa halagang (P80, 000) bilang sweldo ng medical responders sa loob ng isang buwan.

Maliban dito, idinulog din ni Tirol kay Governor Florencio Miraflores ang naturang problema kung saan ipinagsumite naman siya ng kabuuang halaga ng kailangang sahod para maipagpatuloy ang medical services ng mga responders kung saan inaatay nalang din umano nito ang approval.

Ang BAG medical responders ay nagsasagawa ng kanilang 24/7 operation sa isla ng Boracay kabilang na ang pagtawid ng mga pasyente sa mainlad Malay papunta sa ospital sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment