YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 13, 2016

Mock Election sa Balabag Boracay, bahagyang nagka-aberya

Posted February 13, 2016
Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Bahagyang nagkaroon ng pagkaantala ang ginawang Mock election ng Commission on Election (Comelec) sa Brgy.Balabag isla ng Boracay kaninang umaga.

Itoy matapos magka-aberya ang dalawang Voting Counter Machine o (VCM) kung saan isinusuka nito ang mga balota dahil sa naglihis na maliit na bakal sa loob o scanner kung saan dadaan ang mga balota.

Makalipas ang isang oras ay agad namang naayos ng mga technician mula sa Comelec national office ang naturang machine kung saan nagtuloy-tuloy naman ang pagboto ng isang daang mga botante.

Sa kabila nito humingi naman ng paumanhin si Election Officer ng Buruangga at ngayon ay acting officer ng Malay na si Antero Arboleda sa mga botante dahil sa nasabing aberya kung saan posible din umanong maranasan ang ganitong sitwasyon sa May 9 eleksyon kung hindi agad maisasayos.

Samantala, present naman sa nasabing Mock election ang Comelec national office, BEI, Watcher, Smartmatic at PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting para saksihan ang paghahanda sa nalalapit na halalan.

No comments:

Post a Comment