Posted February 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa ang bayan ng Kalibo sa probinsya ng Aklan na
magsasagawa ng Mock election ngayong darating na Sabado Pebrero 13, 2016.
Ayon kay Chrispin Raymund Gerardo, information officer ng
Comelec-Aklan, kasado na ang naturang mock election sa nasabing bayan na
gaganapin sa Poblacion at Linabuan Norte sa Kalibo.
Napili umano ang Kalibo dahil ito ang may pinakataas na
number ng registered voters sa probinsya na sinundan naman ng bayan ng Malay na
isa rin sa magsasagawa ng mock election sa Sabado.
Nabatid na ang nasabing eleksyon bilang pagsasanay para
sa darating na hahalan sa Mayo 9 kung saan isasalang rito ang mga BEI na
kinabibilangan ng mga guro.
Maliban dito pipili ang Comelec ng isang daang botante sa
mga nasabing prisento kung saan susubukan ng mga itong bumuto sa pamamagitan ng
Vote Counting Machines (VCM).
Samantala ang mock election naman sa Malay ay gaganapin
sa Poblacion at sa Brgy. Balabag sa Boracay simula alas-7 ng umaga.
No comments:
Post a Comment