Posted February 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang kinilala ang Puka Beach sa Yapak sa isla
ng Boracay bilang isa sa pinakamagandang beach sa buong mundo.
Pasok ang Puka Beach sa pang-13 puwesto sa Top 20 most
beautiful beaches in the world base sa survey ng Conde Nast Traveler.
Nanguna naman rito ang El Nido Palawan sa Pilipinas na sinundan
naman ng Honokalani Beach, Wai'anapanapa State Park, Maui.
Ang Puka Beach ay tanyag sa pagiging magandang beach
dahil sa makikita ito sa isla ng Boracay at sa napakalinaw na tubig dagat kung
saan tahimik lamang ito at walang makikitang imprastraktura katulad ng long
beach ng Boracay.
No comments:
Post a Comment