YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 11, 2016

BAG naglabas ng plano sa problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port

Posted February 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by: Boracay Action Group
Naglabas ngayon ng plano ang Boracay Action Group (BAG) sa sistema ng problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port dahil sa sinasabing mabagal na operasyon.

Sa ipinatawag na meeting kahapon ni Commodore Leonard Tirol, Adviser/Consultant ng BAG ay napag-usapan ang mga hakbang na kanilang gagawin.

Ayon kay Philippine Coastguard Caticlan Lt. Edison Diaz na isa sa dumalo sa nasabing meeting, magbibigay na umano sila ng color coding na card sa tuwing mahaba ang pila sa port.

Halimbawa umano rito na kung paparating palang ang bangka na kanilang sasakyan ay bibigyan agad ang 30 pasahero ng card na may kulay at ipapasulat sa manifesto para pagdating ng bangka ay sasakay nalang sila sabay alis.

Dahil dito, magkakaroon umano sila ng simulation exercise ngayong alas-4:30 ng hapon kung saan dito nila gagamitin ang kanilang plano kung magiging epekto ito tuwing madaming pasaherong dumadagsa sa dalawang pantalan.

Samantala, sinabi pa ni Diaz na nagiging mabagal umano at humahaba ang pila ng mga pasahero sa Caticlan at Cagban Port dahil sa problema tuwing low-tide gayon din ang kaharipan sa pagdaong ng mga bangka dahil sa kakulangan ng rampa.

No comments:

Post a Comment