Posted February 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Napuno ng mga deboto ng Mahal na Birheng Maria ang
harapan ng Boracay Rock kagabi matapos gunitain ang 5th year anniversary nito.
Magmula sa Balabag Holy Rosary Parish Church ay
iprinosisyon ang imahe ng Mahal na Birhen papunta sa nasabing grotto saka nagkaroon
ng taimtim na pagdarasal bago ibinalik ang imahe nito sa Boracay Rock.
Nabatid na kahapon ng umaga ay sumailalim muna sa
construction ang grotto kung saan muling inayos ang lalagyan ng imahe ng virgin
Mary.
Bago mailagay sa kanyang lalagyan ay nagkaroon muna ng
candle lighting ang mga deboto nito at ibat-ibang idibidwal kung saan maging
ang mga turista ay nakisali na rin sa nasabing religious activity.
Maalalang ninakaw noong taong 2014 ang imahe ni Virgin
Mary kung kaya pinalitan ito ng bago ng mga namamahala sa simbahan ng Boracay.
Samantala, nagtapos ang okasyon sa makulay at
nakakamakhang fireworks display na sinabayan ng pagdarasal ng mga nagmamahal sa
grotto at sa isla ng Boracay kung saan ito rin ang isa sa mga tanyag na
landmark ng isla.
No comments:
Post a Comment