Posted Febuary 9, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) sa probinsya
ng Aklan ang pagiging palaban ng mga manlalaro mula sa probinsya na ngayon ay mayroon ng labin limang
gold medal sa ikalawang araw na West Visayas Regional Athletic Association
(WVRAA) sa Iloilo.
Ayon kay Mrs. Mary Ann Lopez, DepEd sports coordinator ng
Aklan, sa elementary Level umano ay mayroon na silang isang gold habang sa secondary level naman ay may
labing tatlong gold at sa special events naman ay may isang gold.
Samantalang sa silver award naman ay may tig-iisa ang bawat
level at sa bronze naman ay isa sa elementary at apat sa secondary level.
Ina-asahan naman ng probinsya ng Aklan na sa mga susunod
pang mga araw ay madadagdagan pa ang mga medalyang natanggap ng mga batang kasali
sa nasabing kumpetisyon.
No comments:
Post a Comment