Posted February 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Anim na oras umanong makakaranas ng brownout ang buong
probinsya ng Aklan kabilang na ang isla ng Boracay bukas araw ng Sabado.
Ito ay dahil sa magkakaroon ang National Grid Corporation
(NGCP) ng de-energize 138KV Panit-an-Nabas at associated feeders sa Panit-an at
Nabas substations.
Ayon kay Engr. Pedro Nalangan, IV OIC General Manager ng
Aklan Electric Cooperative (AKELCO), magsisimula umano ang power outage ng
alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Maliban sa Aklan apektado din umano dito ang dalawang
bayan sa Antique na kinabibilangan ng Pandan at Libertad kung saan sa Akelco
rin ang mga ito kumukuha ng suplay ng kuryente.
Samantala, tiniyak naman ng Akelco na agad na ibabalik
ang suplay ng kuryente sa sandaling matapos ang nasabing pagdi-de-energize.
No comments:
Post a Comment