Posted February
8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpaliwanag ngayon si Commodore Leonard Tirol sa
pansamantalang hindi pag-respondi ng kanilang medical responders tuwing alas-10
ng gabi hanggang alas-8 ng umaga.
Ito’y sa kabila ng pagtigil ng Local Government Unit ng
Malay sa pagbigay sa kanila ng sweldo kung saan temporaryo rin ang mga itong na-terminate.
Nabatid na kabilang sa mga ito ang ambulance driver,
ambulance speedboat captains at tatlong nurse.
Iginiit naman ni Tirol na hindi naman umano ito kasalanan
ng mga LGU Officials dahil nananatili parin umanong under sa LGU ang kanilang
responders.
Ngunit sa kabila nito, isang magandang balita naman ang
ibinahagi ni Tirol kung saan nagbigay umano ng donasyon si Commo Greg Barnes ng
PCGA sa halagang (P80, 000) bilang sweldo ng medical responders sa loob ng
isang buwan.
Maliban dito, idinulog din ni Tirol kay Governor
Florencio Miraflores ang naturang problema kung saan ipinagsumite naman siya ng
kabuuang halaga ng kailangang sahod para maipagpatuloy ang medical services ng
mga responders kung saan inaatay nalang din umano nito ang approval.
Ang BAG medical responders ay nagsasagawa ng kanilang 24/7
operation sa isla ng Boracay kabilang na ang pagtawid ng mga pasyente sa
mainlad Malay papunta sa ospital sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment