Posted February 13, 2016
Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Bahagyang
nagkaroon ng pagkaantala ang ginawang Mock election ng Commission on Election
(Comelec) sa Brgy.Balabag isla ng Boracay kaninang umaga.
Itoy matapos
magka-aberya ang dalawang Voting Counter Machine o (VCM) kung saan isinusuka
nito ang mga balota dahil sa naglihis na maliit na bakal sa loob o scanner kung
saan dadaan ang mga balota.
Makalipas ang
isang oras ay agad namang naayos ng mga technician mula sa Comelec national
office ang naturang machine kung saan nagtuloy-tuloy naman ang pagboto ng isang
daang mga botante.
Sa kabila nito
humingi naman ng paumanhin si Election Officer ng Buruangga at ngayon ay acting
officer ng Malay na si Antero Arboleda sa mga botante dahil sa nasabing aberya
kung saan posible din umanong maranasan ang ganitong sitwasyon sa May 9
eleksyon kung hindi agad maisasayos.
Samantala,
present naman sa nasabing Mock election ang Comelec national office, BEI,
Watcher, Smartmatic at PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting
para saksihan ang paghahanda sa nalalapit na halalan.
No comments:
Post a Comment