Posted February16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa 345,359 ang
pipila sa mga polling centers sa probinsya ng Aklan para bumuto sa national at
local election sa darating na Mayo 9.
Ito ang kabuuang
bilang ng mga nakapag-parehistro sa Comelec Offices sa probinsya at sumailalim
sa biometrics registration.
Dahil dito
nangunguna parin sa 17 bayan sa Aklan na may pinakamaraming botante ay ang
bayan ng Kalibo kung saan may bilang itong 46,096 na sinundan naman ito ng
Malay na may 33,813; Ibajay na may 27,532 at New Washington na may 26,623 at
Banga na may 25,513.
Sinundan naman
ito ng mga bayan ng Batan, Nabas, Numancia, Makato, Libacao, Altavas, Balete,
Malinao, Tangalan, Madalag, Buruanga at ang bayan ng Lezo na mayroon lamang
botante na 8,731.
Samantala, napag-alaman
na ang Aklan ay mayroong 2,438 total number ng established precincts at 606
clustered/grouped precincts at 328 polling places sa 327 barangays.
No comments:
Post a Comment