Posted February
19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Agad na binawian ng hiram na buhay ang isang lalaki
matapos na makuryente sa Tangalan Public Plaza kaninang alas-dose ng hating
gabi.
Sa report ni P03 Nida Gregas ng APPO, kinilala ang
biktimang si Tulog Cacatian y Tenoso ng Dungon East Numancia, Aklan.
Ayon kay Gregas, alas-11:30 kagabi ng magpunta sa
nasabing plaza ang biktima para sana magpahinga matapos uminom ang alak.
Nabatid na aksidente umanong humiga sa kongkretong bakal
ang biktima sa may lamp post ng rizal park para makapagpahinga kung saan aksidente
nitong nahawakan ang live wire na hindi naka taped sa loob ng electric junction
box na nagresulta naman ng electrocution.
Ang biktima ay diniklarang patay ni Dr. Summer Fuentes ng
Tangalan Rural Health Unit matapos ang isinagawang eksaminasyon sa biktima.
No comments:
Post a Comment