YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 20, 2016

Daungan ng mga bangka sa Boracay kulang umano sa dredging ayon kay Sen. Poe

Posted February 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naka-abot kay Presidential candidate Sen. Grace Poe ang problema sa mga daungan sa isla ng Boracay sa ginanap na press conference nitong Miyerkules sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa Senadora, kulang umano sa dredging ang mga pantalan sa isla na kinabibilangan ng  Cagban at Caticlan Jetty Port.

Sinabi nito na overnight na nag-aantay ang mga pasahero sa pantalan dahil sa hindi makadaong ang mga bangka.

Ipinunto pa ni Poe na dapat ang Local Government ang mag-ayos nito kahit na may share sa kita ang probinsya para mas madali ang pagbiyahe ng mga bangka at walang antayan.

Dagdag pa nito na kailangang ma-expand ang pagkakataon ng turismo sa Aklan dahil sa ang airport umano ay masyado ng barado kung saan kailangan ng magdagdag ng isa pang run-way at terminal para sa mga pumupuntang bakasyunista sa probinsya.

Samantala, matapos ng nasabing conference ay nagkaroon naman ang Poe-Escudero tandem ng close door meeting sa Aklan supporters sa pangunguna ni Carlito Marquez na tumatakbong gobernador, Mayor William Lachica at ni Rodson Mayor na sinundan naman ng ribbon cutting ng kanilang headquarters sa Kalibo.

1 comment:

  1. marami naman bangaka,,bakit nakatambay lang iba??bakit kukunti lang nag ooperate??ang naging dahilan pa para bumagal eh yung nag peperma sa waiver..di ba pwede pasakayin lang muna pasahero,,tapos doon na mag peperma habang tumatakbo,,tsak doon nalang mag check coastguard sa kabila,,,yun ang matinding delay eh,,at kulang pa mga bangka,,tsk tsk

    ReplyDelete