Posted February 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit: SPO1 Christopher Mendoza |
Nakatanggap
ngayon ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ng dalawang All Terraine
Vehicle o (ATV) mula sa Public Safety Saving and Loans Association Inc.
(PSSLAI).
Personal umano
itong natanggap ni PDG Philippine National Police (PNP) Chief Ricardo Marquez,
at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) Chief , Police Inspector Nilo
Morralos sa pamamagitan kay Police Director Ernesto Belen (Ret.), President
PSSLAI sa ginanap na Flag Raising Ceremony kanina sa PNP National Headquarters,
Camp Crame, Quezon City.
Ang nasabing All
Terraine Vehicle o (ATV) ay malaking tulong sa mga pulis sa Boracay PNP
lalong-lalo na sa pag-papatrolya sa isla ng Boracay.
Matatandaang
noong 2013 umano ay nakatanggap ng 20 biseklita ang Boracay PNP na donasyon din
ng PSSLAI.
No comments:
Post a Comment