Posted February 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nanawagan ang Bureau of Internal Revenue sa publiko sa
probinsya ng Aklan na maagang mag-file ng kanilang 2015 income tax returns.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Aklan, ito’y
upang maiwasan ang sabay-sabay na filing ng ITR sa itinakdang deadline sa Abril
15.
Maliban dito dapat ay maging maaga ang kanilang pag-file
para maiwasan ang malaking penalidad na itinakda ng ahensya.
Nabatid na nagkaroon ng problema noong nakaraang taon ang
nasabing ahensya dahil sa nasirang computer system kung saan halos ng
sabay-sabay ang mga nag-file ng ITR.
Paalala pa ng BIR sa mga taxpayer na tiyakin ang
pinakabagong e-BIR-forms at electronic filing and payment system ang kanilang
gagamitin.
No comments:
Post a Comment