Posted February 19, 2016
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay
Sinang-ayunan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang
kahilingan ni Governor Florencio Miraflores at Provincial Treasurer na Si
Suzette Pioquid sa kanilang kahilingan.
Ito’y matapos ang urgent passage resolution ni Miraflores
sa Panlalawigan na magbukas ng bagong account para sa proyekto ng DILG na
tinawag na “Konkreto at ayos na Lansangan at Daan Tungo sa Pangkalahatang
Kaunlaran (KALSADA) Program.
Nabatid na sinag-ayunan ito ng mga SP members sa ginanap
na 6th Regular SP Session kahapon araw ng Miyerkules.
Ang programang ito ng Department of Interior and Local
Government ay inaasahang magbubukas ng madaming trabaho at magbibigay ng maayos
na daan para sa kaunlaraan.
No comments:
Post a Comment