Posted February 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Tinatayang umabot
sa mahigit kumulang isang milyon umano ang pinsala sa nangyaring sunog sa Sitio
Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay kagabi.
Ito ay base sa pahayag
ng may ari ng bahay na si Luzvimenda Co sa Bureau of Fire Protection
(BFP)-Boracay Fire Inspector Johnny Comoda.
Sa report
sinasabing dalawang palapag ang bahay nito kung saan sa ground floor umano ang kwarto
nito at tindahan.
Photo Credit: Rb
Bachiller
|
Sa ikalawang
palapag naman ay ang pina-uupahang kwarto nito, na sinasabing dito nagumpisa ang apoy.
Mabilis naman umanong
natupok ang bahay nito dahil sa gawa lang ito ng light materials.
Nagkaroon naman
umano ng galos ang caretaker nito dahil sa pagsalba sa ilang kagamitan sa loob
ng bahay ng biktima.
Samantala, patuloy
sa ngayon ang imbestigasyon ng BFP Boracay
para malaman kung ano ang sanhi ng nangyaring sunog.
No comments:
Post a Comment