Posted February 16, 2016
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay
Naglabas ngayon
ang Commission on Election (COMELEC) Malay ng panuntunan kaugnay sa local
absentee voting sa nalalapit na May 9 election.
Ito ay kinabibilangan
ng mga opisyal ng gobyerno, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of
the Philippines (AFP), at Media.
Ang pagbobotohan
umano sa nasabing local voting ay ang posisyon ng Presidente, Bise-presidente,
Senador at Partylist.
Dito may inilabas
naman na guidelines ang Comelec kung saan magre-rehistro ang mga miyembro ng
local absentee voter sa kanilang mga tanggapan.
Samantala,
pinayuhan naman ng Comelec ang mga boboto na mag-uumpisa ang pag-paparehistro
sa March 7 at ang voting period ay sa Abril 27, 28, 29, 2016
No comments:
Post a Comment