Pages

Tuesday, February 16, 2016

Kabuaang bilang ng registered voters sa Aklan umabot sa 345,359

Posted February16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelecNasa 345,359 ang pipila sa mga polling centers sa probinsya ng Aklan para bumuto sa national at local election sa darating na Mayo 9. 

Ito ang kabuuang bilang ng mga nakapag-parehistro sa Comelec Offices sa probinsya at sumailalim sa biometrics registration.

Dahil dito nangunguna parin sa 17 bayan sa Aklan na may pinakamaraming botante ay ang bayan ng Kalibo kung saan may bilang itong 46,096 na sinundan naman ito ng Malay na may 33,813; Ibajay na may 27,532 at New Washington na may 26,623 at Banga na may 25,513.

Sinundan naman ito ng mga bayan ng Batan, Nabas, Numancia, Makato, Libacao, Altavas, Balete, Malinao, Tangalan, Madalag, Buruanga at ang bayan ng Lezo na mayroon lamang botante na 8,731.

Samantala, napag-alaman na ang Aklan ay mayroong 2,438 total number ng established precincts at 606 clustered/grouped precincts at 328 polling places sa 327 barangays.

No comments:

Post a Comment