Pages

Monday, February 15, 2016

Boracay PNP, nakatanggap ng dalawang All Terrain Vehicle mula sa PSSLAI

Posted February 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit: SPO1 Christopher Mendoza
Nakatanggap ngayon ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ng dalawang All Terraine Vehicle o (ATV) mula sa Public Safety Saving and Loans Association Inc. (PSSLAI).

Personal umano itong natanggap ni PDG Philippine National Police (PNP) Chief Ricardo Marquez, at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) Chief , Police Inspector Nilo Morralos sa pamamagitan kay Police Director Ernesto Belen (Ret.), President PSSLAI sa ginanap na Flag Raising Ceremony kanina sa PNP National Headquarters, Camp Crame, Quezon City.

Ang nasabing All Terraine Vehicle o (ATV) ay malaking tulong sa mga pulis sa Boracay PNP lalong-lalo na sa pag-papatrolya sa isla ng Boracay.

Matatandaang noong 2013 umano ay nakatanggap ng 20 biseklita ang Boracay PNP na donasyon din ng PSSLAI.

No comments:

Post a Comment