Posted February 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo by: Boracay Action Group |
Naglabas ngayon ng plano ang Boracay Action Group (BAG)
sa sistema ng problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port dahil sa sinasabing
mabagal na operasyon.
Sa ipinatawag na meeting kahapon ni Commodore Leonard
Tirol, Adviser/Consultant ng BAG ay napag-usapan ang mga hakbang na kanilang
gagawin.
Ayon kay Philippine Coastguard Caticlan Lt. Edison Diaz
na isa sa dumalo sa nasabing meeting, magbibigay na umano sila ng color coding
na card sa tuwing mahaba ang pila sa port.
Halimbawa umano rito na kung paparating palang ang bangka
na kanilang sasakyan ay bibigyan agad ang 30 pasahero ng card na may kulay at
ipapasulat sa manifesto para pagdating ng bangka ay sasakay nalang sila sabay
alis.
Dahil dito, magkakaroon umano sila ng simulation exercise
ngayong alas-4:30 ng hapon kung saan dito nila gagamitin ang kanilang plano
kung magiging epekto ito tuwing madaming pasaherong dumadagsa sa dalawang
pantalan.
Samantala, sinabi pa ni Diaz na nagiging mabagal umano at
humahaba ang pila ng mga pasahero sa Caticlan at Cagban Port dahil sa problema
tuwing low-tide gayon din ang kaharipan sa pagdaong ng mga bangka dahil sa kakulangan
ng rampa.
No comments:
Post a Comment