Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaalalahan ngayon ni Malay COMELEC Officer Elma II Cahilig
ang mga kandidatong balak tumakbo sa darating na national and local elections
sa 2016.
Ito ay tungkol umano sa kanilang pag-file ng Certificate
of Candidacy (COC) sa darating na Oktobre 12 hanggang 16 2015.
Ayon kay Cahilig kailangan nilang dalhin sa oras ng
Filing of COC ang lahat ng kumpletong dokumento na hinihingi ng Commission on
Elections (COMELEC) para sa mabilis na pag-proseso.
Nabatid na dapat ay tatlong kopya ng COC ang kailangang
isumite kasama ang documentary stamps at pinakabagong litrato na passport size.
Dapat din itong “under oath” o maipa-notaryo sa abogado o sa Election Officer.
Maliban dito maaari ding ilagay sa COC ng kandidato ang
kanyang “nickname” o “stage name” kung saan siya mas kilala.
Samantala, mahigpit na tinututulan ng COMELEC ang maagang
pagpapapansin o pangangampanya matapos ang pag file ng COC para hindi ang mga
ito maharap sa ano mang-disqualification case.
No comments:
Post a Comment