Posted October 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nahuli sa akto ng mga otoridad ang ginagawang illegal
docking ng isang barge at tugboat sa isla ng Boracay kahapon ng alas-3 ng
hapon.
Sa ginawang pagpapatrolya ng Maritime Police, Philippine
Coastguard, Boracay PNP at Bantay Dagat nahuli ang dalawang sasakyan na nagbababa
ng buhangin at semento na may bigat na tinatayang 8, 000 cubic meters sa Sitio
Lapuz-Lapuz, Brgy. Balabag isla ng Boracay.
Dito hinuli ng mga otoridad ang operator ng dalawang
sasakyan at pinagmulta sa ginawang paglabag kasama sa na ang pag-isyu ng
citation ticket No 2553 sa paglabag sa violation of Provincial Ordinance No.
05-032.
Napag-alaman na ang private port kung saan dumaong ang
naturang barge at tugboat ay pagmamay-ari ng isang kilalang resort sa Boracay.
Nabatid na mahigpit na ipinigbabawal ng Provincial
Government ng Aklan at ng LGU Malay ang pagdaong ng anumang uri ng sasakyang
pandagat sa coastal area ng Boracay kung wala itong permit sa mga kinauukulan.
No comments:
Post a Comment