Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi umano kampante ang Aklan Provincial Population and
Gender Office (APPGO) sa pagbaba sa bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis
sa lalawigan.
Base sa 2014 report ng APPGO lumalabas na naitala ang
high incidence ng adolescent at youth pregnancies mula 2010-2014 na may average
na 5,021 kada taon.
Nabatid na mula naman sa pinakamataas na total na 5,984
pregnancies noong 2010, bumaba naman ang numero sa 4,817 nitong 2014 ngunit
hindi parin kampante rito ang AKPPGO para kunin ang atensyon ng mga kabataan at
mga magulang.
Kaugnay nito napag-alaman na ang bayan ng Malay sa Aklan
ay may pinakamataas na kaso ng teenage pregnancy kung saan umaabot sa dalawang
daan ang naitatala bawat taon.
No comments:
Post a Comment