Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sugat sa dalawang kamay ulo at ibang parti ng kanyang
katawan ang tinamo ng isang 41-anyos na lalaki sa Boracay matapos na pagtatagain
ng kanyang kainuman.
Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang si
Randy Recaforte ng Cajilo, Makato, Aklan at nag-tratrabaho bilang isang driver
ng hauling sa isla.
Nabatid sa report na nakikipag-inuman ang biktima kasama
ang suspek na si Ludy Gonggay 38-anyos ng Elnido, Palawan at pansamantalang
nakatira sa Sitio. Tambisaan Manoc-manoc Boracay ng biglang nagkaroon ng mainit
na argumento sa pagitan ng dalawa.
Dahil dito tumayo ang biktima para iwasan ang suspek
ngunit hinarang umano ang kanyang daraan ng huli at walang karason-rason ay pinagtataga
siya nito sa dalawang kamay at sa ulo gamit ang isang patalim.
Agad namang naisugod ang biktima ng mga rumesponding
pulis sa isang pagamutan ngunit kalaunan ay mas minabuting dalhin nalang ito sa
ospital sa bayan ng Kalibo para sa agarang pagpapagamot.
Sa kabilang banda agad namang tumakas ang suspek matapos
ang insidente ngunit mabilis din itong na-corner ng mga otoridad at ngayon ay
nakakulong na sa Boracay PNP Station.
No comments:
Post a Comment