Posted October 10, 2015
Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Umaabot na sa halos labin pitong libo ang mga botante sa
isla ng Boracay na kinabibilangan lamang ng tatlong Baranggay ng Malay.
Ayon kay Malay Comelec Officer II Elma Cahilig, nasa
8,608 na umano ang mga botante sa Brgy. ng Manoc-Manoc habang sa Balabag ay 5,
681 at sa Yapak naman ay 2, 871 ngunit nasa 65 porsyento lang umano rito ang
inaasahan nilang makakaboto.
Nabatid na nadagdagdagan ang mga botante sa nasabing
bayan dahil karamihan sa mga manggagawa sa Boracay na mula sa ibang lugar ay
mas pinili na bomoto sa nasabing bayan.
Kaugnay nito may ilan pa rin umanong mga botante sa bayan
ng Malay ang hindi pa sumailalim sa biometrics registration na magtatapos sa
Oktobre 31 ngayong taon.
Samantala, paalala ni Cahilig wala munang biometrics
registration ngayong Lunes hanggang sa sa araw ng Biyernes para bigyang daan
ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbong kandidato sa May
2016 elections.
No comments:
Post a Comment