Pages

Tuesday, October 06, 2015

Mga tatakbong kandito sa Malay pinaalalahan sa pag-file ng COC

Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for filing of COC COMELECPinaalalahan ngayon ni Malay COMELEC Officer Elma II Cahilig ang mga kandidatong balak tumakbo sa darating na national and local elections sa 2016.

Ito ay tungkol umano sa kanilang pag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa darating na Oktobre 12 hanggang 16 2015.

Ayon kay Cahilig kailangan nilang dalhin sa oras ng Filing of COC ang lahat ng kumpletong dokumento na hinihingi ng Commission on Elections (COMELEC) para sa mabilis na pag-proseso.

Nabatid na dapat ay tatlong kopya ng COC ang kailangang isumite kasama ang documentary stamps at pinakabagong litrato na passport size. Dapat din itong “under oath” o maipa-notaryo sa abogado o sa Election Officer.

Maliban dito maaari ding ilagay sa COC ng kandidato ang kanyang “nickname” o “stage name” kung saan siya mas kilala.

Samantala, mahigpit na tinututulan ng COMELEC ang maagang pagpapapansin o pangangampanya matapos ang pag file ng COC para hindi ang mga ito maharap sa ano mang-disqualification case.

No comments:

Post a Comment