Posted October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit Boracay PNP |
Nakatakdang magsagawa ng Kidnap for Ransom Prevention
Lecture ang PNP Anti-Kidnapping Group, Visayas Field Unit katuwang ang Local
Government Unit ng Malay sa Boarcay.
Ito ay para bigyang kaalaman ang mga hotel sa Boracay
tungkol sa nasabing lecture at ang kanilang magiging papel sa komunidad tungkol
dito.
Dahil dito nagsimula ng mag-ikot sa mga hotel si SP01 Christopher
Mendoza ng Boracay PNP para ipagbigay alam sa mga establisyemento sa isla ang
kahalagahan ng nasabing aktibidad ng mga kapulisan.
Samantala ang nasabing lecture ay nakatakdang isagawa sa
Oktobre 14 ng alas-dos ng hapon sa Eurotel-Boracay station 2.
No comments:
Post a Comment