Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bilang paghahanda sa pagpasok ng peak season sa Boracay
puspusan na rin ngayon ang ginagawang paghahanda sa pagpapaigting ng seguridid
ng mga Law enforcers sa isla.
Ayon kay BTAC OIC PSI Fidel Gentallan nakipagtulungan
umano sila sa Boracay Action Group sa pamumuno ni Adviser/Consultant Commodore
Leonard Tirol.
Dito napag-usapan ang pagtatalaga ng mga Law multipliers
sa ibang area ng Boracay katulad ng back beach kung saan isa ito sa itinuturing
na daanan ng mga taong may mga masasamang balak sa isla ng Boracay.
Sinabi pa ni Gentallan na ang ang kanilang ginawang
Emergency Conference on Integrated Area Deployment Plan of Personnel sa Boracay
ay dahil na rin sa nanyaring pagpatay sa mga Lumad sa Samal Region.
Samantala, dumalo naman sa nasabing pagpupulong si Aklan
PPO OIC PSupt Iver Apellido, Police Chief Inspector Reynante Jomucan ng Malay
PNP, Lt. Col Ariel Reyes ng 12IB Phil Army, Police Inspector Andree Gleen
Mangubat ng PNP Maritime Group, PCG personnel at iba pang officers.
No comments:
Post a Comment