Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang paglalarawan ni Malay EMS Administrative Assistant Adel Lumagod sa umano’y haka-hakang usapin na may oil spill sa isla ng Boracay.
Ayon kay Lumagod hindi oil spill ang nakita ng ilang residente at turista sa dagat nitong mga nakaraang araw sa malinaw na tubig ng isla.
Aniya, normal ng nakikita ang ganitong sistema sa Boracay dahil ito umano ay seasonal na lumalabas kung ang hangin ay nagmumula sa northwest na siyang nagdadala ng lahat ng grasa mula sa navigation area at kung southwest naman umano ay napupunta ito sa Mindoro.
Maliban dito malapit din umano ang Boracay sa Simirara Island kung saan mayroong minahan na siyang isa rin sa dahilan kung bakit may nakitang maliliit na kumpol-kumpol na umanoy oil spill at kahiluntalad na uling kung saan kabilang din umano dito ang mga island hopping na may lutuan mismo sa bangka.
Dahil dito agad namang pinawi ng Environmental Management Service (EMS) ang pangamba ng mga turista at residente sa lugar dahil sa kumakalat na maling impormasyon.
No comments:
Post a Comment