YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 21, 2015

60-anyos na ginang muntikan ng malunod sa Boracay matapos tangayin ng malakas na alon

Posted October 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit to Ui-han Villanueva
Nasa-ligtas na ngayong kalagayan ang isang 60-anyos na ginang matapos ang muntikang pagkalunod nito sa station 1 Balabag, Boracay nitong alas-dos ng hapon.

Ayon kay PO1st Condrito Alvarez nakilala umano ang biktimang si Corazon Clatch ng Dinalupihan, Bataan na nagbabakasyon lamang sa isla ng Boracay.

Nabatid na naliligo umano ang biktima 20 metro ang layo mula sa dalampasigan ng bigla itong tangayin ng malakas na alon dahilan para mahirapang makalangoy na nauwi sa muntikang pagkalunod.

Agad naman umanong nailigtas ang biktima ni Joel Mamita ng Tambisaan Manoc-manoc na nasa lugar ng maganap ang insidente.

Mabilis na naidala ang biktima sa ligtas na lugar at nilapatan ng paunang lunas sa tulong ng Boracay Rescue Ambulance Volunteers.

Sa ngayon ay nasa maayos na ring kalagayan ang biktima na tumanggi namang magpadala sa pagamutan.

Samantala, pinayuhan naman ni Alvarez ang lahat na iwasan muna ang paliligo sa dagat lalo na ngayon at malakas ang alon dulot ng nagpapatuloy na sama ng panahon.

No comments:

Post a Comment