Posted October 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matapos ang isang linggong filing ng Certificate of
Candidacy ng mga kandidato sa 2016 elections muli na ngayong tumatanggap ang
COMELEC ng mag-paparehistro sa Biometrics.
Ayon kay Atty. Ian Lee Ananoria, provincial election
officer ng Aklan, bukas umano ng 12 oras ang bawat tanggapan ng COMELEC para
bigyang daan ang mga magkakaroon ng transaksyon para sa nalalapit na 2016
elections.
Dagdag nito na inaasahan nila ang mga magpapa-biometrics,
magpapa-transfer o magpapa-ayos ng kanilang voter entries.
Sinabi pa nito na ang COMELEC office umano ay bukas
simula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi o alas-9 ng umaga hanggang alas
9-ng gabi.
Samantala, magtatapos naman ang registration sa Oktobre
31 araw ng Sabado ngayong taon at ang walang biometrics ay hindi mabibigyang
pagkakataong makapag-boto sa May 9, 2016 elections.
No comments:
Post a Comment