Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay
Pinaalalahanan din ngayon ng Malay Transportation Office
(MTO) ang mga motorcycle drive sa Boracay na hindi nagsusuot ng kanilang
helmet.
Itoy kaugnay sa kanilang ordinansa na ipinapatupad ngayon
sa nasabing bayan kung saan maaaring maharap sa ibat-ibang violation ang hindi
sumusunod sa kanilang ordinansa.
Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, nasa
ordinansa na umano nila ang Safety Helmet Policy mula sa National level na
ngayon ay pinapatupad naman sa local level.
Sinabi pa ni Oczon na hindi lamang ang mga motorista na
walang helmet ang kanilang huhulihin, partikular din na bibigyan nila ng aksyon
ay ang mga motoristang bumabiyahe na walang kumplitong permit.
Nabatid na may-ilang mga pasaway na driver ng motorsiklo
ngayon sa Boracay ang hindi gumagamit ng helmet sa tuwing bumibiyahe ang mga
ito.
No comments:
Post a Comment