Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang Sangguniang Bayan
ng Malay sa operasyon ng lahat ng All Terrain Vehicle (ATV) sa isla ng Boracay
bukas.
Ito’y matapos madiskobrehan ang talamak na insidente na
kinakasangkutan ng mga turista sakay ng nasabing vehicle.
Sa 37th Regular SB Session ng Malay ngayong
Martes, muling napag-usapan ang operasyon ng ATV kung saan napag-alaman na
marami palang naitalang blotter report ang Boracay PNP dahil sa hindi maayos na
operasyon nito.
Nabatid na ilan umano sa mga ATV ay hindi na ligtas
gamitin gayon din ang area kung saan ginagawa ang aktibidad dahil sa dilikadong
daanan sa likurang bahagi ng isla ng Boracay.
Samantala, kabilang sa magsasagawa ng inspeksyon bukas ay
ang Malay Transportation Office kasama ang lahat ng opisyal ng Sangguniang
Bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment