Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagulantang ang isang supervisor ng Hotel sa Boracay matapos
silang nakawan ng sarili nilang guest sa Station 2, Brgy. Manggayad, Malay,
Aklan kahapon.
Nakilala ang nag-rereklamong si Reynalyn Ramos,
Supervisor ng Blue Veranda Suites.
Sumbong ni Ramos sa Boracay PNP, tinangay umano ni Rhea
Lazaro ang mga gamit sa loob ng kwarto na inupahan nito noong Oktobre 6-8.
Nabatid sa report, na ang nawawalang gamit ay 13 bottles
assorted toiletries, 2 key chains kasama ang vault at 6 towel na tinatayang
nagkakahalaga ng P10, 650.00.
Napag-alaman na kumain pa ang pamilyang kasama ng suspek ng
almusal sa naturang hotel at sinabi ng mga ito kay Ramos na may iba pa silang
inupahang hotel kung saan gagamitin lamang umano nila ang kwarto sa Blue
Veranda bilang extra nilang kwarto.
Samantala, ang naturang insidente ay kasalukuyang ngayong
iniimbestigahan ng Boracay PNP Station.
No comments:
Post a Comment