Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tuluyan ng lumabas ang bagyong Lando sa bansa dahilan
para tanggalin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services
Administration (PAGASA) ang gale warning sa Aklan.
Dahil dito ibinalik na rin ng Philippine Coastguard-Boracay
ang lahat ng operasyon ng sea sports activities sa Bulabog beach.
Ayon kay PO3rd Ryan Ortega ng PCG-Boracay, naibalik na
umano kahapon ang naturang mga activities sa nasabing lugar maliban na lamang
sa parasailing dahil sa nagbabadya parin ang malakas na hangin.
Sinabi din nito na kung tuluyan ng magiging maganda ang
panahon at wala na ang Habagat ay ibabalik na rin sa front beach ang lahat ng
water sports activities.
Nabatid na isang linggong pinagabawalang maglayag ng
PCG-Caticlan ang mga maliliit na sasakyang pandagat maliban na lamang sa mga
bangkang biyaheng Boracay.
Sa kabilang banda naitala naman ang 21 near drowning incident
sa Boracay sa panahon na nanalasa si bagyong Lando sa Luzon at Metro Manila
dahil sa lakas ng hangin at alon.
No comments:
Post a Comment