Posted October 23, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Pinaaga ngayon ng
Jetty Port Administration ang Renewal o application ng mga sasakyan at sea
crafts sa Cagban port para sa taong 2016.
Ayon kay Special
Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port , nais umano nila na pagpatak
ng Enero sa 2016 ay ma-implement na nila ang no-sticker no-entry mula sa Jetty
Port.
Sinabi ni Pontero
na ang submission of list ay hanggang ngayong Oktobre 31 na lamang habang ang
physical inspection ng units ay nakatakda naman sa Nobyembre hanggang Desyembre
2015.
Nabatid na ang
hindi makakakuha ng renewal o application ay pinagbabawalang makapasok sa
Cagban kasama na rito ang mga hotel at resort vehicles.
Dagdag ni Pontero
kailangan huwag umano itong baliwalain dahil sa mahigpit nila itong
ipinapatupad sa nasabing pantalanan.
Samantala,
kailangan lang umano nilang makipag-ugnayan sa Cagban Port para sa nasabing
renewal at application of units para sa 2016.
No comments:
Post a Comment