Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Nagbigay ngayon
ng kanyang mensahe si Father Nonoy Crisostomo ng Boracay Holy Parish Church
tungkol sa isyung bibilhin ang Puka Beach sa Brgy. Yapak sa isla ng Boracay.
Sa panayam ng
himpilang ito kay Father Crisostomo, sinabi nito na mayroon umanong grupong
Taiwanese national na gustong e-develop ang nasabing beach.
Bilang
pagpapakita ng pagmamahal sa isla at sa Forest area hindi pabor si Crisostomo
na galawin ang Puka Beach dahil sa mga natitirang nakatayong puno doon na
siyang nagproprotekta sa pagbaha sa isla lalo na sa Brgy. Yapak.
Maliban dito,
pag-ginalaw umano ang mga puno doon ay wala ng matitirahan ang mga paneke (bat)
na siyang nakakatulong sa pagdami ng pagtubo ng mga punong kahoy dahil sa
kanilang kinakaing prutas.
No comments:
Post a Comment