Photo Credit to Ui-han Villanueva |
Nasa-ligtas na ngayong kalagayan ang isang 60-anyos na
ginang matapos ang muntikang pagkalunod nito sa station 1 Balabag, Boracay
nitong alas-dos ng hapon.
Ayon kay PO1st Condrito Alvarez nakilala umano ang
biktimang si Corazon Clatch ng Dinalupihan, Bataan na nagbabakasyon lamang sa
isla ng Boracay.
Nabatid na naliligo umano ang biktima 20 metro ang layo
mula sa dalampasigan ng bigla itong tangayin ng malakas na alon dahilan para
mahirapang makalangoy na nauwi sa muntikang pagkalunod.
Agad naman umanong nailigtas ang biktima ni Joel Mamita
ng Tambisaan Manoc-manoc na nasa lugar ng maganap ang insidente.
Mabilis na naidala ang biktima sa ligtas na lugar at
nilapatan ng paunang lunas sa tulong ng Boracay Rescue Ambulance Volunteers.
Sa ngayon ay nasa maayos na ring kalagayan ang biktima na
tumanggi namang magpadala sa pagamutan.
Samantala, pinayuhan naman ni Alvarez ang lahat na iwasan
muna ang paliligo sa dagat lalo na ngayon at malakas ang alon dulot ng
nagpapatuloy na sama ng panahon.
No comments:
Post a Comment