Posted July 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kung kayat naglabas ngayon ang Philippine Red Cross (PRC)
Boracay-Malay Chapter ng Family Disaster Plan sa pamamagitan ng Disaster
Management Services.
Dito nakalagay ang ibat-ibang safety tips kung paano
paghandaan ang ibat-ibang kalamidad na maaaring maranasan sa bansa.
Nabatid na ang nasabing Family Disaster Plan ay may
temang “Disaster know no boundaries and can happen Anywhere”.
Ito rin ay may mga katanungang where will your family be
when disaster strikes? How will you find each other? At will you know if your
children are safe?.
Nakapaloob rin dito ang survival kit, evacuation at emergency
phone numbers na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna.
Nabatid na nais ng PRC na laging maging handa sa panahon
ng kalamidad upang maiwasan ang kapahamakan na maaaring maidulot sa isang tao.
No comments:
Post a Comment