Posted July 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magkakaroon ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa
pamamagitan ng Bids And Awards Committee (BAC) ng Public Bidding ngayong Hulyo.
Dahil dito iniimbitahan nila ang mga bidders na ipasa ang
kanilang bids para sa procurement ng Office supplies pati na ang mga Computer
Links at Toners.
Ang mga interesado at kwalipikadong sumali sa Bidding ay
kinakailangang makabili ng bidding documents simula Hulyo 9 2015 hanggang Hulyo
28, 2015 pagkatapos na makasumite ng Letter of Intent (LOI), gayon din ang
makabayad ng non-refundable fee para sa bidding documents na Five Thousand
Pesos sa AKELCO.
Nabatid na ang Bids and Awards Committee (BAC) ng
kooperatiba ay magsasagawa ng Pre-bid Conference sa Hulyo 16 sa AKELCO Board
Room sa Lezo, Aklan kung saan bukas ito sa mga kwalipikadong bidders na
nakabili ng bidding documents.
No comments:
Post a Comment