YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 06, 2015

Construction ng Boracay ospital, inaantay nalang ng Aklan PHO na maiturn-over sa kanila

Posted July 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay hospitalMahigit isang taon na ang nakakalipas matapos na simulan ang expansion project ng Boracay ospital na ngayon ay naiwang nakatiwang-wang dahil sa ilang kontrobersya.

Ayon kay Aklan Provincial Health Officer II Dr. Victor Sta. Maria, hawak pa umano ang proyektong ito ng Department of Health (DOH) Region 6 kung saan nasimulan ng ipagawa ang phase 1 sa phase 3 na pagamutan na ngayon ay partial pa lamang ang natatapos sa phase 1 dahil sa problema sa contractor.

Dagdag pa ni Dr. Sta. Maria, ngayon umano ay pinag-aaralan na ng DOH Region 6 ang pag turn-over nito sa Provincial Health Office ng Aklan upang maituloy na ang naudlot na construction ng nasabing ospital.

Sinabi pa nito na ang pondo sa expansion project ng Boracay ospital ay mula mismo sa DOH Region 6 kung saan balak din itong gawing tatlong palapag at lagyan ng mga high-tech na aparato para sa mga pasyente.

Matatandaan namang nagpadala ng sulat ang SB Malay sa DOH Region 6 upang hilingin ang pag-fast track ng Boracay hospital para sana sa ginanap na APEC Ministerial meeting sa Boracay nitong Mayo.

Samantala, nabatid na iilang kama nalang ngayon ang ginagamit ng Boracay ospital para sa mga pasyente kung saan umaabot lamang sa lima hanggang walong pasyente ang kanilang kayang tanggapin.

No comments:

Post a Comment