Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mas hinigpitan ngayon ng Philippine Coastguard (PCG)
Caticlan ang ginagawang pag-monitor sa biyahe ng mga bangka sa Tambisaan at
Tabon Port.
Ito’y dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Falcon
at Habagat na siyang nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Dahil dito sinabi ni Chief Master at Arms CPO Caticlan
Adan Ayopela na mahigpit ang kanilang ipinapatupad na mandatory wearing of life
jacket sa mga pasahero na utos ng Maritime Industry Authority o MARINA.
Maliban pa rito mahigpit nilang ipinapatupad ang
pagkakaroon ng manifests kung saan kinakailangan lahat ng mga pasahero ay
makalista sakaling magkaroon ng insidente.
Sinabi din nito na kung may pasahero na ayaw magsuot ng
lifejacket ay pabababain umano ito saka ibabalik ang kanyang pamasahe upang ng
sa ganon ay maiwasan ang disgrasya.
Samantala, kinansila na rin ngayon ang biyahe sa Caticlan
via Hambil sa Romblon dahil sa nakataas na Gale Warning sa lalawigan ng Aklan.
Nabatid na kung sakaling mahuli nila ang mga bangkang
hindi nagpapasuot ng lifejacket ay iisyuhan nila ito ng violation ng Marina
Circular at maaaring suspendihin na makapagbiyahe.
No comments:
Post a Comment