Posted
July 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinasa ng Local Government Unit (LGU) Malay ang kanilang
ibat-ibang aktibidad ngayong National Disaster Consciousness month.
Katunayan magkakaroon ang Malay Disaster Risk Reduction
and Management Office (MDRRMO) ng bloodline o bloodletting bukas sa SB Session
Hall simula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Maliban dito gaganapin naman sa Hulyo 11 ang tinatawag na
Family Run na may temang “Pamilya at Pamayanang Handa, Katuwang sa Pag-unlad ng
Bansa” habang sa Hulyo 18 ay naman ng Poster and Slogan Contest.
Samantala, makikiisa rin ang LGU Malay sa National
Earthquake Drill sa Hulyo 22 kasama ang Private at Public School, NOA at mga
establisyemento sa Malay.
Suportado rin ang naturang programa ng ibat-ibang grupo at sektor sa Malay at Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter.
No comments:
Post a Comment