Posted July 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magkahiwalay na ipinatawag sa committee hearing ng
Sangguniang Bayan ng Malay ang dalawang supplier ng e-trike sa Boracay na
kinabibilangan ng Gerwise at Tojo motors.
Ito ay dahil sa kinakasangkutang problema ng mga driver
ng nasabing sasakyan kaugnay sa tinatawag na negligence o kapabayaan sa baterya
ng kanilang mga sasakyan na naging dahilan ng pag-kaantala ng biyahe at abala
sa kanilang pasahero.
Ayon naman kay Malay Transportation Officer Cesar Oczon, ang
pangunahing problema rito ay tungkol sa hindi tamang paggamit ng baterya kung
saan bago umano makuha ng operator ang unit ay sumasailalim pa umano ang mga
ito sa orientation para malaman ang tamang paggamit ng baterya.
Aniya, hindi dapat hinahayaan ng mga driver na antayin
pang-malobat o mag bag-down ang baterya ng kanilang mga sasakyan bago nila ito
e-charge sa kanilang charging station.
Dagdag pa nito na mabilis din umanong malobat ang baterya
nito kung maraming sakay na pasahero o overloaded ang kanilang e-trike o
electric tricycle.
Sa ngayon layon ng transportation office na e-improve ang
serbisyo ng e-trike sa Boracay na siyang papalit sa mga tricycle unit na
bumibiyahe ngayon sa isla.
Samantala, nakatakda umanong isailalim sa orientation ng
Tojo motors ang kanilang mga driver kasama na rito ang pagtalakay sa kanilang
behavior.
Nabatid na kadalasang na-lolobat ang mga e-trike sa
kasagsagan ng kanilang pag-biyahe dahilan para maantala ang kanilang mga
pasahero at pagsikip ng daloy ng trapiko sa kalsada.
Ang nasabing committee hearing ay pinangunahan ni SB
Member at Chairman ng Committee on Transportation Leal Gelito ng LGU Malay.
ang sabihin kmo.. palpak ung baterya nla samantala binabayaran driver ang sobrang mahal na charge ng battery....kng bakit kc d na lng ibigay ung battery at charger sa operator ng unit..
ReplyDeletekyrie 6
ReplyDeletelebron 16
yeezys
golden goose
converse shoes
balenciaga
chrome hearts outlet
hermes belt
michael kors outlet
off white hoodie
find more information click here to find out more why not try these out you can find out more original site Web Site
ReplyDelete