Pages

Wednesday, July 08, 2015

PRC Boracay-Malay Chapter, naglabas ng Family Disaster Plan

Posted July 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Panahon na naman ng tag-ulan sa bansa.

Kung kayat naglabas ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter ng Family Disaster Plan sa pamamagitan ng Disaster Management Services.

Dito nakalagay ang ibat-ibang safety tips kung paano paghandaan ang ibat-ibang kalamidad na maaaring maranasan sa bansa.

Nabatid na ang nasabing Family Disaster Plan ay may temang “Disaster know no boundaries and can happen Anywhere”.

Ito rin ay may mga katanungang where will your family be when disaster strikes? How will you find each other? At will you know if your children are safe?.

Nakapaloob rin dito ang survival kit, evacuation at emergency phone numbers na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna.

Nabatid na nais ng PRC na laging maging handa sa panahon ng kalamidad upang maiwasan ang kapahamakan na maaaring maidulot sa isang tao.

No comments:

Post a Comment