YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 10, 2015

Diving activity sa Tabon at Tambisaan Port mahigpit na ipinagbabawal ng LGU Malay

Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for diving activity sa BoracayMahigpit umanong ipinagbabawal ng Local Government Unit (LGU) Malay partikular ng Environmental Management Services ang anumang diving activity sa Tabon at Tambisaan Port.

Ito ang sinabi ni Malay EMS Administrative Assistant Al Lumagod, matapos silang makatanggap ng impormasyon na may mga nagkakaroon ng scuba diving activity sa dalawang nasabing port.

Sinabi nito na may inilabas na municipal ordinance 73 series of 2014 ang LGU Malay na ang dalawang naturang port ang siyang magiging regular one-entry one exit policy sa tuwing mararanasan ang Southwest monsoon o Habagat kung kayat hindi puwedi rito ang scuba diving activity.

Samantala, ipinunto pa ni Lumagod na ang kanilang ginagawang ito ay para mapangalagaan ang mga bisita sa isla ng Boracay.

Nabatid na sakaling may mga mahuli silang sumusuway sa nasabing kauutusang ito ay awtomatikong mabibigyan sila ng violation ticket kasama na ang hindi pag-renew ng kanilang permit.

No comments:

Post a Comment