Posted July 8, 2015
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Muling nagsagawa ng orientation ang Police Regional
Office-6 sa mga miyembro ng Municipal Advisory Council sa probinsya ng Aklan
nitong nakaraang July 6,2015.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga napiling
Chairman at Members ng MAC mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan para muling
ipresenta ang layunin ng pagtatag ng Advisory Councils na bahagi ng programa ng
pambansang kapulisan na PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030.
Ito ay isinagawa sa Aklan Police Provincial Office o APPO
na dinaluhan din mismo ni Aklan Provincial Director Senior Superintendent Iver
Apellido .
Sa ginawang lecture ni PRO-6 PNCO PO3 Francisco B.
Lindero Jr., ipinunto niya na malaki ang katungkulan ng mga napiling council
para sa ikakabuti ng serbisyo ng mga kapulisan kung saan napasama ang PNP sa
pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno noong taong 2003.
Ang Advisory Council ay katuwang ng Technical Working
Group ng PNP para magbigay ng payo at suporta para sa mga programa at
estratehiya para sa ikagaganda ng imahe ng mga kapulisan.
Ilan sa mga chairman at miyembro nitong advisory councils
ay kinabibilangan ng mga personalidad mula sa sector ng academe, media,
business group, simabahan, NGO at Local Government Units.
No comments:
Post a Comment