Pages

Monday, July 06, 2015

Mga supplier ng e-trike sa Boracay ipinatawag ng SB Malay dahil sa pagkakasangkot sa ilang problema ng kanilang mga driver

Posted July 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for e-trike sa BoracayMagkahiwalay na ipinatawag sa committee hearing ng Sangguniang Bayan ng Malay ang dalawang supplier ng e-trike sa Boracay na kinabibilangan ng Gerwise at Tojo motors.

Ito ay dahil sa kinakasangkutang problema ng mga driver ng nasabing sasakyan kaugnay sa tinatawag na negligence o kapabayaan sa baterya ng kanilang mga sasakyan na naging dahilan ng pag-kaantala ng biyahe at abala sa kanilang pasahero.

Image result for e-trike sa BoracayAyon naman kay Malay Transportation Officer Cesar Oczon, ang pangunahing problema rito ay tungkol sa hindi tamang paggamit ng baterya kung saan bago umano makuha ng operator ang unit ay sumasailalim pa umano ang mga ito sa orientation para malaman ang tamang paggamit ng baterya.

Aniya, hindi dapat hinahayaan ng mga driver na antayin pang-malobat o mag bag-down ang baterya ng kanilang mga sasakyan bago nila ito e-charge sa kanilang charging station.

Dagdag pa nito na mabilis din umanong malobat ang baterya nito kung maraming sakay na pasahero o overloaded ang kanilang e-trike o electric tricycle.

Sa ngayon layon ng transportation office na e-improve ang serbisyo ng e-trike sa Boracay na siyang papalit sa mga tricycle unit na bumibiyahe ngayon sa isla.

Samantala, nakatakda umanong isailalim sa orientation ng Tojo motors ang kanilang mga driver kasama na rito ang pagtalakay sa kanilang behavior.

Nabatid na kadalasang na-lolobat ang mga e-trike sa kasagsagan ng kanilang pag-biyahe dahilan para maantala ang kanilang mga pasahero at pagsikip ng daloy ng trapiko sa kalsada.

Ang nasabing committee hearing ay pinangunahan ni SB Member at Chairman ng Committee on Transportation Leal Gelito ng LGU Malay.

3 comments:

  1. ang sabihin kmo.. palpak ung baterya nla samantala binabayaran driver ang sobrang mahal na charge ng battery....kng bakit kc d na lng ibigay ung battery at charger sa operator ng unit..

    ReplyDelete
  2. find more information click here to find out more why not try these out you can find out more original site Web Site

    ReplyDelete